
Ni Vhioly Rosatazo
Norzagaray, Bulacan – Isinasagawa sa magkakasunod na araw ang pamamahagi ng cash relief assistance para sa mga TODA members mula sa bayan ng Norzagaray.
Tinatayang higit 3,720 miyembro ng TODA ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tinitiyak ni 6th District Congressman Salvador “Ador” Pleyto na maibsan ang mabigat na pasanin ng mga TODA drivers sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina. Ayon sa kanya, ang naturang ayuda ay makakatulong bilang pandagdag sa kanilang panggastos sa gasolina, na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa mga kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Ka Ador, bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng halagang ₱5,000 sa tulong ng pakikipag-ugnayan sa DSWD. Tiniyak din niya na maayos at walang naging problema sa pamamahagi dahil kumpleto ang dokumentasyon—may IDs, pirma, at larawan ng mga tumanggap.
Mahigpit umano ang proseso ng tanggapan ni Cong. Ador upang matiyak na ang mga tunay na kuwalipikado lamang ang makatatanggap ng ayuda. Hindi ito basta-bastang pamimigay, kundi organisado at maayos na isinasagawa sa dalawang batch upang maiwasan ang pagdagsa ng tao.
Malaking tulong para sa mga TODA drivers sa Norzagaray ang nasabing programa. Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo kay Congressman Ador Pleyto, na anila’y ramdam ang malasakit sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo. elamigo/
