

Isang malaking tanong mula sa inyong lingkod kung bakit hindi gumagalaw ang mga kapulisan sa larangan ng PERGALAN?
Patay malisya ang mga kapulisan na kahit na sa harap ng kanilang Police Station kaharap ng Munisipyo ay tila ba okey lang sa kanila. Bakit kaya? Anong meron na tila ba na-comatose na sila sa larangan ng sugal sa peryahan.
Ayon sa atin bubuwit talagang hindi titinag ang mga kapulisan dahil di umano sa malaking TIMBRE na kanilang natatanggap Dagdag ni bubuwit mula itaas hanggang baba diumano ang nakikinabang ng malaking timbre kada linggo.
Ayon ke bubuwit may halagang 350 tawsand, 250 tawsand ang kinukelekta di umano ng mga naka-timbre, dagdag ng atin bubuwit halos ang binubuhay na lamang ng Pergalan ay ang mga Timbre.
Partikular na dyan sa lugar ng Pangasinan na kung saan ay may complainant na ay wala pa ring aksyon o reaction ang mga kapulisan lalo sa barangay Mangatarem.San Fabian,Bgry Malpitic,ng San Fernando Bgry Lagundi, Mexico; Bgry Cabalantian ng Bacolor Pampanga Bgry Laoac na Di umano Konsehal pa ng bayan ang my ari.
Anong meron Mangatarem Chief of Police PMAJ Arturo Melchor, San Fabian Chief of Police PLTCol Danilo M. Perez.Pangasinan Police Provincial Director PCol Arbel C, Mercullo , Regional Director for Region 1 PBGen Dindo R. Reyes,Malpitic Cop PLTCol Peral Joy C. Colayan, Cp Mexico PLTCol Julius Javier at Bgry Cabalantian Cop Major Jessie James Domingo,Gayun din kay Regional Director PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr ng Pampangga anung dahilan po at hindi kayang isara ang mga pasugalan sa loob ng Pergalan ang malakas na laro ng Drop ball at Color games?
Gaano po katotoo ang sinasabi na di umanoy Malaki ang “Timbrehan” sa kapulisan .Kaya mistulang naging bulag-bulagan at bingi-bingihan po tayo sa mga reklamo sa inyong tanggapan.
Kung matimbre kaya ito Camp Crame ay ma-aksyunan kaya ito? Asking lang po.
Kung sa mga ganyan pasugalan ay hindi natin maaksyunan paano pa kaya ang malakihang pasugalan.
Paging din po sa mga Mayors na sina San Fabian Mayor Marlyn Agbayani, Mangatarem Mayor Ramil Ventilla,Malpitic Mayor Vilma Caluag, Mexico Mayor Rodencio Gonzales, at Cabalantian Mayor Eduardo “DIMAN” Guttierez.
Naway maaksyunan nyo po ang mga sugalan sa pamamagitan ng pahayagang ito ay mabigyan nyo ng aksyun ang mga pasugal na ito.
Kalakip nito ang ebidensya at mga bata pa ang inyong manglalaro o tumataya.
Abangan!
NOTA BENE: Ang kolum na ito ay naglalaman ng mga opinyon, pananaw, at alegasyon ng may-akda batay sa impormasyong nakalap mula sa mga pinagmulan o source. Ang mga ito ay hindi sumasalamin sa opisyal na posisyon ng pahayagang ito. Ang publikasyon ay bukas sa paglilinaw, pagtugon, o pahayag mula sa mga taong o institusyong nabanggit, alinsunod sa prinsipyo ng patas at responsableng pamamahayag.
