photo courtesy of philstarlife.com
MANILA — Pormal nang pinagtibay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 2026 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng ₱6.793 trilyon.
Sinabi ng Pangulo na ang pambansang badyet ay nakatuon sa pagpapalakas ng mga programang may direktang benepisyo sa mamamayan at alinsunod sa direksyon ng pambansang kaunlaran.
“Ito ay badyet na magpapatuloy sa ating mga reporma at magbibigay-proteksyon sa kapakanan ng bawat Pilipino,” ani Marcos.
Kabilang sa mga pangunahing tututukan ng badyet ang edukasyon, serbisyong pangkalusugan, seguridad sa pagkain, tulong panlipunan, at paglikha ng hanapbuhay.
Bilang pagsunod sa Konstitusyon, nanatiling may pinakamalaking pondo ang sektor ng edukasyon na may alokasyong lampas ₱1.34 trilyon.
Gagamitin ang pondo para sa karagdagang plantilla positions sa mga pampublikong paaralan, promosyon ng mga guro, at konstruksyon ng mga silid-aralan.