
MANILA — Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na magkaisa sa panalangin matapos ilabas ang kanyang mga buwanang intensyon para sa taong 2026.
Ayon sa Vatican, tinatalakay ng mga intensyon ang mahahalagang usaping panlipunan at espiritwal. Kabilang dito ang panalangin para sa kapayapaan, kalusugan, pagkain, kalikasan, at kapakanan ng pamilya. Bawat buwan ay may temang nagbibigay-diin sa pananampalataya na isinasabuhay sa konkretong pagkilos.
Kasama sa mga layunin ang pagtulong sa mga may karamdaman, pagtataguyod ng mental health awareness sa loob ng Simbahan, pangangalaga sa yamang-tubig, at pagsuporta sa mga pamilyang humaharap sa kawalan ng ama o ina.
Sa pamamagitan ng mga intensyong ito, layon ng Santo Papa na palalimin ang panalangin ng Simbahan at hikayatin ang pagkilos na may malasakit, katarungan, at pananagutan.
