

Hindi lamang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ang binibigyang-pansin ni Lt. Col. Mark Sigua, Chief of Police ng Sta. Maria, Bulacan. Higit pa sa kanyang tungkuling pangalagaan ang seguridad ng publiko, ipinakikita rin niya ang malasakit sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong.
Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad bilang hepe ng pulisya, naglalaan din si Sigua ng panahon upang makiisa sa mga gawaing pangkomunidad, kabilang ang pamamahagi ng tulong sa mga kapus-palad at mga pamilyang nangangailangan ng suporta.
Para sa kanya, ang serbisyo ng isang pulis ay hindi lamang nasusukat sa pagpapatupad ng batas, pagresponde sa krimen at pagpapanatili ng disiplina. Mahalaga rin ang pakikipagkapwa-tao, pakikinig sa hinaing ng mamamayan at pagtulong sa abot ng makakaya.
Sa ganitong paraan, ipinakikita na ang tunay na paglilingkod ay hindi nagtatapos sa loob ng himpilan ng pulisya. May puwang din ito sa komunidad, lalo na sa mga panahong higit na kailangan ng mamamayan ang malasakit at pagdamay.
Hindi lang pang-pulis, pang-masa pa! Isang paalala na ang pagiging lingkod-bayan ay hindi lamang tungkol sa kapangyarihan at tungkulin, kundi higit sa lahat, sa malasakit na kusang ipinadarama sa kapwa.

ia/PH Watch