
Ni Vhioly Rosatazo Arizala
MANILA — Sa patuloy na pagsisikap na mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kabataan, nananatiling tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo at suporta para sa mga iskolar ni Cong. Ador Pleyto ng Ikaanim na Distrito, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng tanggapan ni Cong. Ador, mga katuwang na organisasyon, at ng DSWD, naibibigay ang tulong na tumutugon sa pangangailangan ng mga iskolar.
Halos tatlong libong mag-aaral mula sa mga bayan ng Angat, Norzagaray, at Sta. Maria sa Bulacan ang tumanggap ng ₱5,000 bawat isa.
Patunay ito na ang edukasyon ay nananatiling pangunahing puhunan para sa pag-unlad ng bawat kabataan at ng buong komunidad.
Sa tuloy-tuloy na suporta at malasakit ni Cong. Ador at ng DSWD, mas maraming kabataan ang magkakaroon ng pagkakataong makamit ang kanilang mga pangarap at maging produktibong mamamayan sa hinaharap.
“Ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay, kundi daan din tungo sa mas maunlad na pamayanan,” wika ni Cong Pleyto.
ia/