
Text and photo by Mike Taboy
LAS PIÑAS CITY — Sa unang pagkakataon, nagsama-sama bilang isang koponan ang 10-man lineup ng Parañaque Titans na sasabak sa Manny Pacquiao Pickleball tournament.
Nangunguna sa roster sina Leander Paez Lazaro at Sarah Jane Restauro Lim, kasama sina Ruben Antonio Gonzales Jr., Nik Alessandro R. Isagan, Fatima Ayesha J. Amirul, Jessica Marie L. Agra, Christian Josua “CJ” A. Luna, Matt Daniel H. Navarro, Danica Calma Bautista, at Mikhyla Julianne E. Cruz.
Ipinakita ng mga manlalaro ang kanilang pagkakaisa at determinasyon sa ginanap na press conference noong Miyerkules ng gabi, Setyembre 16, sa Las Piñas City, bilang paghahanda sa kanilang kampanya sa torneo.
Sampung atleta. Isang koponan. Isang pagkakataong magbigay ng karangalan sa Parañaque sa pickleball.
ia/